Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH

Samahang Sining at Kalinangan ng Pandacan

PAGBABAGO!

 (Sigaw ng Bayang Totoo)

  Di ka ba nagtatanong san tayo patungo?

Di ka ba naghahangad ng pagbabago?

Katotohanan at katarungan ating makakamtan;

Kung hindi tayo mananahimik lamang.

 

Kung dati ay walang pakialam, dahil ’di natin alam

Galing sa Diyos ating kapangyarihan at pananagutan

Ngayon hamon ng pagbabago nasa ating harapan

Katotohanan ang magpapalaya sa sambayanan

 

Pagbabago!  Sigaw ng bayang totoo!

Bagong mukha ng ating bansa sa ‘tin magmumula.

Pagbabago!  Sigaw ng Pilipino!

Pinagpalang lahi ng mga bayaning totoo!

 

Di ka ba nagtataka di tayo umuunlad

Sa kabila ng ating pagsisikap?

Kalayaa’t kasaganaan ating matitikman

Kung di hiwalay pag-ibig sa Diyos at bayan

 

Kung dati ay walang pakialam, dahil ’di natin alam

Galing sa Diyos ating kapangyarihan at pananagutan

Ngayon hamon ng pagbabago nasa ating harapan

Katotohanan ang magpapalaya sa sambayanan

 

Pagbabago!  Sigaw ng bayang totoo!

Bagong mukha ng ating bansa sa ‘tin magmumula.

Pagbabago!  Sigaw ng Pilipino!

Pinagpalang lahi ng mga bayaning totoo!

 

 

Titik at Musika:

Mimo L. Perez


Add a Comment